11.01.2008

i am a flower quickly fading....

nice song.. "who am i". its actually a christian song... very touchy. it actually made me realize that i am lost...

WHO AM I?

Who am I?
That the Lord of all the earth,
Would care to know my name,
Would care to feel my hurt.
Who am I?
That the bright and morning star,
Would choose to light the way,
For my ever wandering heart.

Bridge:
Not because of who I am,
But because of what you've done.
Not because of what I've done,
But because of who you are.

Chorus:
I am a flower quickly fading,
Here today and gone tomorrow,
A wave tossed in the ocean,
A vapor in the wind.
Still you hear me when I'm calling,
Lord, you catch me when I'm falling,
And you've told me who I am.
I am yours.
I am yours.

Who am I?
That the eyes that see my sin
Would look on me with love
And watch me rise again.
Who am I?
That the voice that calmed the sea,
Would call out through the rain,
And calm the storm in me.

Repeat Bridge & Chorus (2x)

I am yours.

Whom shall I fear?
Whom shall I fear?
'Thy I am yours.
I am yours.

and that there is God... who cares for me. though i am so imperfect, yet He still chooses to keep me and look beyond my imperfections.

10.15.2008

scriptwriting101: DONE!!

.

finally, natapos na rin ang pagpapapirma ng pesteng OR/DR forms. hahaha.

.

.

kanina nipasa ko na ung forms ko, meaning il be graduating na tlga this coming Nov. 6, 2008. wuhoo!! grabe hirap ko, i mean naming lahat, sa form na yan. i have wasted(ooops) a lot of time, effort and money just to accomplish it.

.

time: kasi kailangan ko magkaroon ng extra duties here in cavite and manila puro graveyard shift pa. pamatay tlga! imbis na nagpapahinga ako, ayun duty to the max. grrr. eyebags to the max din. magwawaste pa nga pla ako ng time para icompile/sunugin/iframe ang mga nasayang na papel. tambak e. hahahaha

.

effort: kasi para kaming ewan na nagpaikot ikot around gen.tri and cavite city looking for our signatories. babad sa pc shop for editing and printing. 3 days pinaghirapan. reject!!! dito din lumabas ang talent ko sa pagsisinungaling este pagdedefend pala. hahaha. not to 4get ang pagcry ko sa sobrang pagkadepress dahil sa paulit ulit na pagreject ng aming butihing scriptwriter. (scriptwriter kasi kapag di nya gusto ang nakasulat sa form, ipapaulit nya sau un ng walang humpay hanggang sa makuntento sya) *wink* hehehe.

.

money: printing pa lang libo na. isama pa ang mga duty na pambayad utang na loob sa hospital na hindi nmn tlga dapat pagdutihan. (gastos sa van -pamasahe at food, libo again). shala ang dating. ang kick back, naubos dahil sa form na yan. so sad. hahaha. =)

.

sumatotal.... taas noo ko ng masasabi na makakapasa ako ng board exam dahil sa form palang naghirap na ko. hahahaha. cheers!!! =)

.

.

------0o0------

.

tomorrow nga pla retreat nmn... undecided pa din ako. hindi daw sasama ang bestfriend ko na backstabber. sayang!! akala ko moment na naming 2. lol.

.

sasama ba ko o hindi?? kulet. hirap magicip. Zzzzzzzzz

9.17.2008

SUBIC SUBIC..again!!

as usual... magaantay uliy kayo. hahaha

7.16.2008

6.08.2008

Late post nanaman.. as in SUPER LATE!

yahoOOo!!! sa wakas, gawa na ang pc kong maligalig, makakapagpost na ko. hahaha. i know super late na tong post na toh, so what!! maselan kasi ako magpost, ayoko sa pc shop, madaming distractions at USI!!! hahaha.



my sister made this poster!! bonga diba?!! i blew her surprise, nagising kasi ako habang kinakabit nya yan... sabi ko...
.
"ay sori, tulog ulit ako, kunwari di kita nakita! hahaha."

.

.


kamusta nmn ang birthday ko?? super bad day!!! hahaha. may duty ako ang masama pa neto ay ang bagsik ng ci ko. haha. partially, masaya na din kasi ang inatupag ko naman ay alagaan ang batang ito na kabirthday ko. oha!
.
.
nung MAY 14 nga pla birthday ko... hahaha.
.
THANK YOU SA MGA NAKAALALA!!!
.
naksave lahat ng mga text msgs nyo!! hahaha

6.07.2008

4.19.2008

nothing really matters to me....

actually, hindi yan totoo. a lot of things matters to me now. at ang scary ng pakiramdam.
_____________________________________________________________________________________

graduation ko... ang lapit na. tsk tsk. after nun, magiging iba na ang buhay ko. magiging mas seryoso at mas makulay. seryoso in the sense na, family first ang drama. mas makulay kasi kakaway na ko sa real world! halu! halu! (fuck) hahaha.

pasan ko ang daigdig. (title ng movie na applicable nmn sa kin, pero hindi naman sa OA or nega ako, wala lang, trip lang. haha.) katakot!! since eldest ako sa aming 3 na magkakapatid malamang sa kin ipapasa ang trono ng pagsupport sa aking mga minamahal na mga kapatid. pagpapaaral etc. at dahil mahal ko ang aking 'rents, ay aakuin ko na ang trono ng pagbuhay sa aking pamilya... pangarap ko kasi na kapag senoir citizen na sila (in w/c 5 yrs from now na lang un) ay hindi na sila magwowork at ang aatupagin na lang nila ay kumain at matulog sa iba't ibang lugar sa buong mundo. (worldtour lang naman. taas ng pangarap ko noh?) haha. sana makaya ko!! ay mali, ang nega ko pala. KAYA KO TOH!!!

1.) ang mahal na ng bilihin ngaun... natatakot ako para sa family ko, na 1 araw e magising ako na wala na kaming makain. ayoko nun. kaya magsisikap talaga ko. (lufet!!).
2.) at ang mahal na magkapamilya. (as in my own ha). hahaha. magastos. hahaha! ewan ko ba, pero parang naisuksok ko na ata sa king brain ang pagiging choosy sa gagawing papable. hindi naman sa nagdidiscriminate ako... pero ang akin lang, magpapapa ka ba na ikaw ang gagastos para sa kanya at ikaw ang bubuhay? NO WAY!. yabang e noh. haha. pero totoo naman diba.

love love love. EWAN! haha. nawalan na ako ng interest. wala akong time. bwahaha. feeling ko kasi hadlang lang sila sa aking pagasenso. joke!!! wala lang cguro talaga, ayoko lang. study flirt este first pala, boyfriend later. haha. pagkagraduate ko na lang. pagkagraduate nyo na lang. pagkanagkatrabaho ka na. para kung magkatechnical prob man at least graduate na!! hahahaha.


_________________________________________________________________________________________________
ang dami kong namimiss na mga tao ngaun... tsk tsk....
_________________________________________________________________________________________________

P.S:
nabasa ko na nga pla ung THE VALKRYIES by paulo coelho. at ang dami kong natutunan...
"expanding your horizon..." cool gawin. tinry ko. masarap sa pakiramdam. =)

"if you have done something wrong and had already ask for forgviness... forget about it. set yourself free. you have been forgiven, anyway."


---OoO---

"funny, how someone can make you weak...
just by simply thinking about him."

-lykes

4.12.2008

4.05.2008

grrrr

BUHAY PA KO... sira ang pc ko. KAINIS!!!! dumaan lang ako sa pc shop...

nweiz, HI kay IGNO... kay MIA, Kay MUY...., sa lahat ng nakakaalalang dumalaw, kahit hindi ako nakakasilip sa mga site nyo. thank you!!!!

MISS KO NA KAYO!!

3.17.2008

silence means... sick.

halu halu!! tagal kong nwala ah... hahaha. 1 week akong walang social life. im sick kasi, and guess what kung ano... chicken pox. huhuhu. kung kelan finals week saka pa ko nagkaroon. saklap diba?!! sabi nga ng aking friend hindi na daw ako kagandahan ngaun, sabi ko nmn, maganda pa din ako kahit my bulutong noh. lakas noh?! haha. nah, im just boosting myself. pero sa totoo lang, weird tong chicken pox ko kasi, 15 pcs lang lumabas at wala sa mukha. lucky na rin kahit papaano.. =) as of now, ok na ko, nakakahawa nga lang. haha

nakakadiri nmn tong post ko, tungkol sa sakit. hahaha.

ampanget ko dito... huhu
e2 ako habang may sakit... ung spots sa face ko ay pimples hindi cpox. saklap. haha

----------------------------------------------------------------------------------------------------

sa lahat nga pla ng dumalaw, thank you! feeling ko nmn mamatay na ko... sa lahat ng di dumalaw, ok lang, di ko nmn kasi ipinagsabi. kakahiya kaya. (pero niblog ko. wapak.) haha. =)

special thanks nga pla kay, jd. u made me realize na masarap magkabulutong, foodtrip!! thank you sa instant Loreal na toner at Loreal na cream na pasalubong mo. feeling ko ang sosyal ng skin ko. hahaha. sana maging supplier kita... haha.

kay anne... we love you so much. the hell with him. he's NOTHING. ul get thru... we'll help you. we'll always be here.

kay eldrin & angello, thank you sa JAMS night. thanks sa panglilibre, alam ko nagulat kau kasi ang dami dami pla natin. haha. thanks for making my comeback a success. hahaha.

oha oha.. yabang e noh kala mo binili ko. haha

----------------------------------------------------------------------------------------------------

Psyche 101:

difference between hallucination and illusion... and delusions

**hallucination:

auditory - hears voices that is not really present, commanding or condemning... etc
visual - sees a person or object that is not present


**illusion:
auditory - hearing voices in the wind
visual - seeing an object in a different form

**delusions:
eg. a person truly believes that he is superman, etc.

3.04.2008

cheap post.

lykes: jai, may ginagawa ka? pakitimpla mo nmn ako ng kape. thanx
jireh: kape? gabing gabi na kape?
lykes: oo, bakit ba? pampaantok ko yan e. 1 kutsarita ang ilagay mong kape, puno ha...
mommy: hoy elikah, anung 1 kutsarita? mas matapang ka pa magkape sa kin ngaun. jai. bawasan mo, gawin mo lang na kalahati.
lykes: walang lasa yun.
jireh: mommy, malaki kasi baso nya.
lykes: pakilagyan ng 3 scoop ng creamer.
mommy: anung tatlo? napakadami, dalawa lang noh.
jireh: mommy malaki kasi baso nya kumpara sa baso mo.
lykes: tapos 1 kutsaritang sugar...
mommy: ang tabang nyan

whatever. hahaha. dialogue namin yan kagabi...

3 big cups ang minimum ko per day. ganyan ako kaadik sa kape. nahawa na ata ako sa daddy ko, na ginagawang water ang coffee.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

ok, so baliktad ang epekto ng kape sa aking system. imbis na magising ako at mabuhayan ng dugo, nirerelax nito ang aking katwan. kumbaga, eto ang pampatulog ko. weird daw. sabi nilang lahat. at yung gatas nmn.. un ang nagpapagising sa akin. baliktad talaga. weird.

parang kape ang rock song. dahil ang rock song ay pampatulog ko, pamparelax. at kapag mga mellow nmn ang tugtog... nabwibwisit lang ako at hindi makatulog. baliktad. weirdo.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

so, why am i saying all of these?? wala lang, i just feel like i have to blog something. i feel so dumb, having nothing to write about. i call these a cheap post. kasi obviously, wala tlgang kabuluhan ang post na ito. niliitan ko ang font kasi, nahihiya ako.. hahahaha. nilamon na ata ng gym ang utak ko. hahaha. un pa nag isang kinaadikan ko ngaun ang pumunta sa gym. actually, nung valentines day, mas pinili ko pang makipagdate sa bakal kesa makipagdate sa lalaki. magbuhat ng bakal at tumingin sa mga papable. fyi, hindi ko ginagaya si jackie lou or si vina ok... hahaha. nififirm ko lang ang arms at abs ko. un lang. (bow) nagpapasexy ako... rawr!!

2.29.2008

Cindy's thanksgiving day!

---Feb. 23, 2008


as usual, late post again. grrr. naweweirdohan na ko sa date ng mga post ko. hahaha.

bago ang lahat, gusto ko munang i-greet ang aking friends na si
CINDY BROAS at JOYCE ANGELICA PANOPIO
ng CONGRATULATIONS!!!

professional P (patay) T (tao) na sila. nyahaha. jowkz, syempre
licensed Physical Therapist na sila!!! =)



kamusta naman un, naging semi-reunion ang nangyari. hahaha. being reunited with my high school tropa... wala talagang katulad ang saya. hehe. although maraming kulang, still me & my friends managed to celebrate cindy's day with lots of laughter. kul
ang ang 1 day para sa aming colorful chikahan!!


from d top: cindy & jackie
bottom: eula, ada & me



cindy: licensed PT na, kaya lang professional tambay for 1 year. hindi pa daw nya feel magwork... pasaway. hahaha. nagyayaya sa kanyang oath taking sa march 1. minsan ko 2ng nakita sa girbaud kasama si papa dj.

jackie:
mascom grad... currently working sa ayala, sa isang bank. my bf na navy. sosyal!! haha. halos 3 yrs ko ding hindi nakita. biglang dumamba sa kin nung nakita ako. youngest sa tropa.


eula:
bigtym toh, 3rd yr medical student sa uste, sabi nya trip nya daw maging neurologist. lufet!!! first time ko 2ng nakitang nagcommute nung araw na toh! haha. halos 4 yrs. kong di nakita kahit na 10 mins away lang ang lau sa kin.


ada:
licensed electrical engineer. mayaman na daw toh sabi ni cindy. at ikakasal na kay cesar. wehehe. nabobored daw sya sa office kasi nakaupo lang sya, nagoautocad lang daw kasi sya. ahihi. lagi ko 2ng nakikita, syempre, heaven ko toh e. ahihi.

lykes:
professional student. haha. shifter kasi ako from architecture to nursing. lapit noh?! haha. 4th yr bsn stud ako. (redundant). october 08 ako ggrad, hindi dahil sa bobo ako, kundi dahil october ako nagtransfer. abala ako ngaun sa thesis, at taga organize ng gala.


dun sa ibang tropa na wala... hmmp!! ewan!! luge!!! ok forgiven na kau, kaya lang dapat next time bawal absent kundi takwil na kau!! jowkz. haha. click THIS for the pixies.


-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
dineadma nya ko... ang lungkot naman....
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

2.26.2008

friends again

---for Feb. 20, 2008

late blog na naman. tsk tsk.

i just want to share my happiness... bati na kasi kami nung best buddy ko. i'm so glad that wer ok. after 1 year na walang kibuan, finally. hahaha.

the funny thing is, is that we acted as if nothing happened. =) ganun naman tlga diba kapag magkaibigan, forgive and totally forget everything.

sabi ko sa kanya, "para kang tanga, inaway mo kasi ko."


---0o0---


TRIVIA:

"vena amoris", is a latin name meaning, literally, "vein of love."

--a tradition established a belief that this vein ran directly from the heart to the fourth finger of the left hand. this theory has been cited in western cultures as one of the reasons the engagement ring and/or wedding ring was placed on the fourth finger, commonly known as, ring finger.

2.22.2008

d devil and miss prym

3 days ago, i finished reading this book by paulo coelho... it took me about 8-10 hrs to finish it... adik daw ako sabi nila!! hahaha. while reading it, the word blasphemy keeps on clouding my mind, but still i gave it a chance and finished reading it. both meryl and i agreed that somehow evil won in the end...

a clever book this is.


ang galing ng author. clever ang dating ng story. ang cute tlga ng pagkakakwento. try nyo basahin. devilish ang dating. good and evil. temptation. money. temptation. conscience. temptation. good life. temptation. doubt. temptation. trust.


p.s:
muy, thanx sa book. once again, akin na toh!! bwahaha.



------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
huhuhu.... i'm still waiting.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

2.17.2008

Awards!!

yey, DEEANNE gave me some awards!!! THANK YOU!!!
it feels good when someone recognizes your efforts.... *muah*


*ehem *ehem... here goes my speech... haha. (f na f ako... ) haha


>>>THE PIXIE DUST AWARD

this one sounds like i'm somewhere in neverland... para akong si wendy.. hehehe. nweiz, its nice to sprinkle love to everyone... =) pixie dust award to all of you!!



>>> MEDAL OF AWESOMENESS AWARD

every blogger is awesome. sharing everything that they have in their minds. =) everybody's allowed to grab this award!!



>>> THE BLOG BUDDIES AWARD

Hi to everyone who visits my blog, sa lahat ng sumisilip, bumubulong at kumakaway sa site ko, halu halu. weeeee. =)


>>>YOU ARE TAODALLY AWESOME AWARD

this one's a very cute award... i remember my highschool days... dissecting frogs. hahaha.


finally, i'm sharing all of these to everyone!! grab as many as you like.
SHARE TAU, then SHARE NYO SA IBA!!! =)
[f na f talga. hahaha]

4some.. nye..



nangibang skul kami... we went to san sebastian college. it was sbc's foundation week pala. we watched kryz'z siblings perform. saya. lots of people. lots of headturners. lots of food. lots of everything that can't be seen in my school. hays... namiss ko mapua. dami gwapings. hahaha. nah, dami kasi activities. =)

i saw my highschool buddy, ira. its been 5 years since i last saw her in the flesh. lots of improvement. i didn't know that she knows how to dance. nweiz, she's good naman, looking great din. hays... namiss ko tuloy high school days ko... tsk.


---0o0---

anne, joey, me & kryz

we're up to something... haha. anne, kryz and me... and soon, joey will be joining us. dami gwapo. haha. lately, gabi na ko umuuwi. buti na lang my mom's not asking wer i've been, kundi... deadz. haha. just kidding. =) she knows tlga. as for you peepz, secret muna, baka kasi maudlot. abangan nyo lang what it is. =) rawr!

for the mean time, enjoy na lang muna the PIXIES...

2.09.2008

IQ test daw toh...

naaliw ako, kaya sinagutan ko toh. its a forwarded text msg.
sagutan nyo bilis.... =)

complete the phrase given.
ex. 24 H in a D = ans: 24 Hours in a Day
(use your common sense)

1. 7 D a W
2. 12 M in a Y
3. 2 W of a B
4. 9 L of a C
5. 3 H of a C
6. 7 D S
7. 9 M of P
8. 8 T of an O
9. 7 C of the W
10. 10 Y in a D
11. 28 D in F
12. 6 S of a H
13. 10 C in a M
14. 7 W of the W
15. 5 F in a F
16. 366 D in a L Y
17. 7 C of the R
18. 60 S in a M
19. 26 L of the A
20. 4 C of a S

ENJOY!



for the answers:
just text me. at dun sa mga hindi alam ang # ko, just text me using 3jam. hehe.

fabella again!!!

meryl aka muy & me, drinking nescafe ice. paborito!!!


bwahaha. ang tagal ko pala talaga magupdate ng blog. nweiz, sa pagkakaalala ko ay kasama namin dito ang aking former friend. hahaha. (bad girl) akala ko magiging sadness ang duty ko pero hindi pala, mas masya kaysa dati kasi ang inatupag lang namin ay umupo, magkwentuhan, maglakad lakad pagkatpos naming makipagagawan ng cord care cases. agawan kasi, epal ung ci ng ibang skul. dinadaya kami kami. buti na lang matapang ang ang aming ci, na co-worker nya at sinita sya ever. with lines na "hoy, *******, dinadaya mo kami!! wag kang madaya!!"

aun, naalala, ko nilunod nga pla namin ang aming self sa nescafe ice. sarap e. =)

dumaan pa nga pla kami sa bluewave para magbuyness ng food. kakagutom kasi sa byahe.



---0o0---

"A wise girl kisses but never loves.
Listens but never believes.
and leaves
before she is left."


-sex & the city

Tuesdays w/ Morrie...

This book made me cry....



it's all about enjoying life, making the most out of it, death, acceptance.. and love. very touchy 2ng book na toh. it has lots of quotable quotes. i can't forget this line... "When you're in bed, you're dead". this line makes me get up!! haha. asar. it reminds me of how lazy i am. haha.

try reading it, it will inspire you to go on living despite of all the hardships in life. it will make you realize that death is not to be feared but something to look forward 2.


---0o0---

"If you're trying to show off for people at the top, foget it.
they will look down at you anyhow.

and if you're trying to show off for people at the bottom, forget it.
they will only envy you.

STATUS WILL GET YOU NOWHERE.
ONLY AN OPEN HEART WILL ALLOW YOU TO FLOAT
EQUALLY BETWEEN EVERYONE."

-morrie schwartz



-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
waiting, waiting, waiting... as always, as usual.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

2.01.2008

february na!!!!!

kaloka sa school today... everybody was bored. i have nothing to do but to sit and listen as my classmates do their reporting. (no offense.... nakinig nmn ako, di ko lang mapigilan na mainip.) and because of that super boredom, i have decided to make new friends!! oh, yes, dinagdagan ko ang mga kaibigan kong fingers!! and dating 2 naging 9!! yehey...hahaha.

BTW, i would like to thank tin-tin buntis for lending me her fingers. *wink*



from top (L-R): mad man, yosi guy, happy
bottom (L-R): C.hook, C.baby, bell & mr. shaolin. =)


hindi lang yan!! syempre ang aking ever dearest friend na si anne ay ginawang papel ang likod ko.. lolz. she drew a butterfly, the moon, the sun and some stars. tamang trip daw kasi i was showing off some skin, (oi, off-shoulder lang yun!!) at syempre ang ever gaya gaya na si ycar, nakidrawing din. wahahaha.

tamang boredom nga naman. hays....

1.30.2008

kwentong kaibigan at kwentong ospital.

zhainne, getting wacky after her meds...


Hospital bums... no sleep at all. kalungkot. (hahaha.) i was left taking care of my niece. so much, for a student nurse. hahaha. (again). taong hospital na nga ako tapos ung free day ko sa hospital pa din... kamusta nmn un daba?! =) no choice e, mabait akong tita, kaya holla hospital!! =)


---0o0---


rion, johnny, helena & me... cast kami ng sweeny todd!


eto nmng pic na toh.. actually nung 28 pa toh, ngaun ko lang ibblog kasi especial ito.. (konek??) taken at trinoma. im with my friend rion. =) after 6 months yan. hahaha. mostly, ang mga ginawa namin ay magkwentuhan, umikot sa mall at ma-amaze sa sweeny todd, aka "the blood bath movie".

namiss ko tong taong toh... sarap kasi kasama at kakulitan.. (pinupuri kita sa net. haha). mga knock-knock jokes mo at mga kwentong nakakatuwa. sows... ok, bumebenta sa kin! hehehe. =) hays, wish ko lang nagvideoke tau. haha.


p.s.
rion, bagay sau ang pink, PROMISE!!

at sinong may sabing naghihirap ang mga pinoy?

sa aking pagsusurf sa net... i found out na 3 of the world's top ten largest malls ay nasa pinas.. oh yes.. nasa pinas!! namely:

1.) Mall of Asia (3rd)
2.) SM Megamall (5th)
3.) SM North Edsa (9th)


e2 ung pic... sa forbes.com ko yan nakuha...


oha oha!! san ka pa diba?! proof ba ito na shopingero(pangit ng term) ang mga pinoy??? sige, OO, madaming naghihirap pero bakit ganun? hindi pa rin magkandamaliw ang mga tao sa pagpunta ng malls?! addiction nga naman sa pagshoshopping kahit walang ANDA!! tsk tsk. masamang ugali yan.

dialogue 1
anak: nay, wala na tayong ulam...
nanay: sige, mangutang ka na muna sa tindahan.

dialogue 2
misis: naku, mare, saka na kita babayaran ha, pasensiya ka na ha wala pa kong pera..
mare: mare naman, nung isang buwan nangako ka na babayaran mo ko ngaun....

dialogue 3:
misis: wala tayong pambayad sa kuryente at tubig
tatay: mangutang ka muna kay kumare....

mayamaya....

SM 3 DAYS SALE!!!!

hala, ayun ang mga walang pambili ng ulam, walang pambayad sa utang, walang pambayad sa kuryente at kapos sa pera sugod sa mga nagkukunwaring malls na may 3 days sale daw sila pero ang totoo e, kalahati pa rin nun ang totoong presyo. ung inipon na pera para sa pagkain e ipambibili na lang ng kung anung sa mall. AMININ!!! pero maraming ganyan dito sa pinas!! yan ba ang naghihirap?

based on my observation... marami akong kilalang mayayaman pero wag ka, adik sila sa tiange at hindi sa malls. at kung pumorma e parang wala lang, pambahay ang effect!! daig pa sila ng mga ibang mga nakikita at kakilala ko (beep beep sa mga natatamaan ko) na sa barong barong lang nakatira or alam ko na sakto lang ang kinikita ng magulang pero pinipilit pa rin ang sarili na makabili ng mga "signature clothes". reason nila: "for showing off purposes at to be in". masamang ugali yan.

ewan ko ba, pero anu nga ba ang nakukuha nila sa pagyayabang na yun?? 30 secs. na papuri? 10 secs. na hawak sa damit ng mga kaibigan. at pagkatapos nun?? wala na. deadma ka na ulit sa kanila.

(teka anu nga ba ang topic ko?? bwahaha. naghalo halo nnmn ako. tsk tsk!)

nweiz, hindi ko naman nilalahat ang mga pinoy. dahil marami pa rin nmn ang matitipid at wais sa buhay. suksok ng suksok at hindi mahilig magwaldas. sa mga taong ganun... i salute u. kahanga-hanga kayo at s mga tao naman na katulad ng mga namention ko, hoi, dre, magisip ok. hindi madaling kumita ng pera... kung wala nmn talagang dapat ipagyabang at hindi naman talaga kailangan at wala naman talagang pera, mag preno naman sa pagwawaldas! ikaw din ang kawawa sa huli... hindi ka kayang nuhayin ng kayabangan mo noh!! at sa mga mayayaman naman na ang hobby ay magwaldas, magpreno din kayo noh dahil hindi habang buhay mayaman kayo...


1.29.2008

Sweeny Todd


Sweeny Todd the Demon Barber from Fleet Street
.... RAWR!!



yan ang pinanood namin ni rion nung nagkita kami kahapon.. hehe. honestly, nung una, wala akong alam tungkol sa sweeny todd... i just read the title (walang poster ha kasi sa tv screen kami nakatingin) tapos r-18... at first i tot bold ito. haha. joke. at nung andun na kami sa loob saka ko lang nalaman na ito pala ay isang musical movie. ASTIG!!

wala akong balak magmovie review pero sige magkwekwento na lang ako ng tungkol sa movie na ito...

sweeny todd is all about a barber who has nothing in mind but to take vengeance from a judge whom he thought had killed his wife. astig ung movie.. so brutal!!! i remember counting the throats that he had slashed. parang water springklerz ung neck... sabi nga ni rion "its so BLOODY!!" tapos ung mga dead body ginagawa nung partner in crime nya na si mrs. lovett na meat pie... rawr!! gruesome diba?! pero astig! as in astig talaga... d movie's great!! i didn't know johnny depp knows how to sing and helena, too. btw, severus snape of harry potter was there too, he played the role of the judge. medyo funny ung role nya (dom ang dating! haha) ok ung mga songs, d lyrics are nice. pinaka nagustuhan ko ung kanta nung kid...

Nothing's Gonna Harm You

nothing's gonna harm you
not while i'm around...
no one's gonna hurt you,
no one's gonna dare
others can desert you
not to worry, i'll be there

i may not be smart
but i ain't dumb
i can do it
i don't need to, i won't never
hide a thing from you...

(syempre chopped na yung lyrics) hahaha


e2 ung ticket...


here's the ticket nga pla... its a proof that i really watched it.. haha. and i scanned it para ipakita na nakapunta ako ng trinoma.. (first time ko dun e.. wahaha) nga pla: xiao, sa may north ave toh.. last station ng mrt. ahihi. *wink*

back to the movie... nagresearch nga pla ako about this. i found out that it was a hit broadway musical in 1979. been revived twice in broadway, won some tony's, and has more than 12 productions. impressive huh?! and it has a book too. for more info just click ME!!


-----------------------------------------------------------------------------------------------------
it's worth the wait
-----------------------------------------------------------------------------------------------------

1.18.2008

si bulag at si liit...

mga friends ko, habang naiinip ako sa klase... harhar


the two cute peepz are my new friends... haha. i got bored with my nursing research class. i have no one to talk too, that's why i created them. haha. i even named them as bulag and liit. kirarir ko talaga ang pagdraw sa kanila!!! =)


silang dalawa nmn ang mga human friends ko... hahaha


then, finally!! back to reality.. the two girls beside me are my closest friends!! anne's(left) my gf in SJC and kitel(right) my gf in mapua. after all these years eto ang first time na nagkakilala sila! yepee!! so saan pa nga ba kami gagala kundi sa SM. rawr!! we went straight to timezone. at nagvideoke!! we sang 12 songs, did some interpretative dance and nagpicture picture. it felt good having my two closest friends with me. it felt warm at sobrang saya!!


*kisses for both of them*
MmMmUuUuAaAaHhHhhhhhh

1.11.2008

ang pc na may topak... (bow)

dear diary,

i hate my computer... its not working the way it used 2. i'm having a hard time opening it because of its processor. i can't even surf the net for a very long time, because of that stupid generic host problem. i can't use my ym due to the virus that i now have in my computer. my anti-virus is down... my spyware is not good enough. i can't communicate with my friends here and abroad at hindi ko makachat ang crush ko... i can't finish my paper works. i can't download my favorite songs... i can't upload my pictures properly... hindi ako makablog ng ayos.

i am very sad. please help me dear diary...


love,
lykes


ps: sana may maantig ang puso at bigyan ako ng laptop... with a high speed processor at internet connection. complete package sana kung maaari... thank you..


BWAHAHAHA

---0o0---

Woman, if u get ur heart broken by a man,
be strong enough to trust the hope of loving again.
don't hate the man 4 what he has done to you,
instead, feel sorry for him coz he's 2 weak to appreciate ol the good in you.

however, remember that the good man is not a myth.
all men love
but only the good ones will take a picture of you when you wake up n d morning
put it in a frame, hug you tyt & say,
"I NEVER THOUGHT I DESERVE SUCH GODDESS!!"


---------------------------------------------------------------------------------------------------------
funny, but i enjoy waiting.....
---------------------------------------------------------------------------------------------------------

1.06.2008

BEACH!!! hahaha

jose & me... (kainis nakapikit ako... =/...)


yan c jose, ang aking friend na umuwi galing guam. kundi dahil sa kanya walang reunion na mangyayari. hahaha. close kami nyan... =)


ang peace sign na usong uso. (randy, ge, me, ada & chuck)


sa villa buenaflor yan. naku, kita pa ung redhorse.. patay ako. hahaha. ung iba, camera shy, kaya wala sa pic. ayun c ge, sya ang may ari nung resort, kung wala sya malamang palaboy kami. or baka nasa bahay kami nina vic or bahay ni ge. =). hahaha. they are my high school tropa. super miss ko na sila.. grabe!! pwera si randy, kasma ko yan nung 1 linggo e. hahaha. nanlibre. weee.




1.03.2008

a yuletide diary.

MERRY CHRISTMAS
AND HAPPY NEW YEAR!!!


--NEW YEARS EVE
.
.

family picture... kaso tulog ung isa. =(

.

Khean and Me... tulog si jhai
.
.
.
---NEW YEARS PARTY (Dec. 30, 2007)
.
.

LyCOF

Lykes Circle Of Friends. hehehe

.

.

.

---CYF Christmas Costume Party (Dec. 28, 2007)

.

Jhai & Rica... d'super twenkz.

.

it was held at pascam Church of Christ. nagdecide ang mga officers na magkaroon grand fellowship.. haha. actually hindi nmn tlga bongazious un. nagcostume lang kami. un lang un. hahaha.

.

---CHRISTMAS DAY

.

.

la vindetta... lolz

.

after ng Christmas service. nagkuhanan kami ng pictures. ako, noemi, jireh, jonelle, at c rica. napagtripan lang namin para may remembrance kami. =)

.

---CHILDRENS CHRISTMAS PRESENTATION (Dec. 24, 2007)

.

eto pa ang isa sa mga pinagkaabalahan ko, ang magturo ng mga kids para sa araw na ito. hahaha. yearly kasi nagppresent talga ung mga kids sa church sa namin at dahil ako ang maganda nilang ma'am ako ang responsible for their presentations. syempre, the typical play na ang theme e. Jesus is Born, pero syempre, dahil creative ako, (hahaha) ginawa ko syang musical play!! oha, oha! with matching costumes yan... angels, shepherds, wisemen, villagers, mary and joseph. kalurkey nga lang lang magturo, kasi bago kami makapagstart isang katerbang "children, tama na ang takbuhan magcstart na tayo... ", "wag na kayong maingay", "behave na po kayo.", "sige na, ikaw na si mary, please...", "matatapos na po.", "asan na si ano..." ang lines ko. at habang nagppractice na kami, isang katerbang "teacher, anong line ko?", "sino ako?", "gusto ko angel ako.", "ayoko nyan", "nangangalay na ko", "uwi na tayo teacher" "may i go to the washroom", "nauuhaw ako" ang drama nila. at sa wakas, THANK YOU LORD, nung nagpresent sila ay ok na ok naman, kahit medyo may sablay ok lang, kasi nagenjoy naman ung mga nanood at syempre nagenjoy ung mga kids. =)

.

---CAROLING NIGHT (Dec. 23, 2007)

.

nangaroling kami para may ipambili ng chicha!!! hahaha. joke lang.

.

nangaroling talaga kami para magkaroon ng fund ang aming cyf. excuse me lang, hindi house to house as in lahat ng bahay ha, house to house in the sense na puro bahay lang ng mga kasama namin sa church. mga 10 houses lang. puro mga taga d2 lang sa may amin. syempre the usual christmas carols ang kinanta namin, plus, nagadd pa kami ng mga songs n pang choir talaga. hanep!! nakakapaos. haha. kakapagod pero syempre ok lang kasi, 7,300 naman ang kapalit ng pinaghirapan namin. oh, yes!! 7, 300 sa 10 houses lang. ok diba?!! sarap mangaroling diba, kaya nga next year, uulitin namin un... tiba tiba ulit!! hahaha

.

---CHURCH ANNIVERSARY (Dec. 16, 2007)

.

.

our Church

.

hays, this is the very first event na pinagkaabalahan ko bago mag vacation. its hard pala to become an organizer, kalurkey. haha. nweiz, all i can say is that all the hardships had paid off. sulit na sulit talaga. a new experience for me organizing a bigger event (more or less 110 + guests). thank you sa aking committee who supported and helped me all through out. never could have i done it better without you guys... thanx a lot!!! =) muah muah muah.