1.30.2008

at sinong may sabing naghihirap ang mga pinoy?

sa aking pagsusurf sa net... i found out na 3 of the world's top ten largest malls ay nasa pinas.. oh yes.. nasa pinas!! namely:

1.) Mall of Asia (3rd)
2.) SM Megamall (5th)
3.) SM North Edsa (9th)


e2 ung pic... sa forbes.com ko yan nakuha...


oha oha!! san ka pa diba?! proof ba ito na shopingero(pangit ng term) ang mga pinoy??? sige, OO, madaming naghihirap pero bakit ganun? hindi pa rin magkandamaliw ang mga tao sa pagpunta ng malls?! addiction nga naman sa pagshoshopping kahit walang ANDA!! tsk tsk. masamang ugali yan.

dialogue 1
anak: nay, wala na tayong ulam...
nanay: sige, mangutang ka na muna sa tindahan.

dialogue 2
misis: naku, mare, saka na kita babayaran ha, pasensiya ka na ha wala pa kong pera..
mare: mare naman, nung isang buwan nangako ka na babayaran mo ko ngaun....

dialogue 3:
misis: wala tayong pambayad sa kuryente at tubig
tatay: mangutang ka muna kay kumare....

mayamaya....

SM 3 DAYS SALE!!!!

hala, ayun ang mga walang pambili ng ulam, walang pambayad sa utang, walang pambayad sa kuryente at kapos sa pera sugod sa mga nagkukunwaring malls na may 3 days sale daw sila pero ang totoo e, kalahati pa rin nun ang totoong presyo. ung inipon na pera para sa pagkain e ipambibili na lang ng kung anung sa mall. AMININ!!! pero maraming ganyan dito sa pinas!! yan ba ang naghihirap?

based on my observation... marami akong kilalang mayayaman pero wag ka, adik sila sa tiange at hindi sa malls. at kung pumorma e parang wala lang, pambahay ang effect!! daig pa sila ng mga ibang mga nakikita at kakilala ko (beep beep sa mga natatamaan ko) na sa barong barong lang nakatira or alam ko na sakto lang ang kinikita ng magulang pero pinipilit pa rin ang sarili na makabili ng mga "signature clothes". reason nila: "for showing off purposes at to be in". masamang ugali yan.

ewan ko ba, pero anu nga ba ang nakukuha nila sa pagyayabang na yun?? 30 secs. na papuri? 10 secs. na hawak sa damit ng mga kaibigan. at pagkatapos nun?? wala na. deadma ka na ulit sa kanila.

(teka anu nga ba ang topic ko?? bwahaha. naghalo halo nnmn ako. tsk tsk!)

nweiz, hindi ko naman nilalahat ang mga pinoy. dahil marami pa rin nmn ang matitipid at wais sa buhay. suksok ng suksok at hindi mahilig magwaldas. sa mga taong ganun... i salute u. kahanga-hanga kayo at s mga tao naman na katulad ng mga namention ko, hoi, dre, magisip ok. hindi madaling kumita ng pera... kung wala nmn talagang dapat ipagyabang at hindi naman talaga kailangan at wala naman talagang pera, mag preno naman sa pagwawaldas! ikaw din ang kawawa sa huli... hindi ka kayang nuhayin ng kayabangan mo noh!! at sa mga mayayaman naman na ang hobby ay magwaldas, magpreno din kayo noh dahil hindi habang buhay mayaman kayo...


No comments: