Showing posts with label life. Show all posts
Showing posts with label life. Show all posts

4.19.2008

nothing really matters to me....

actually, hindi yan totoo. a lot of things matters to me now. at ang scary ng pakiramdam.
_____________________________________________________________________________________

graduation ko... ang lapit na. tsk tsk. after nun, magiging iba na ang buhay ko. magiging mas seryoso at mas makulay. seryoso in the sense na, family first ang drama. mas makulay kasi kakaway na ko sa real world! halu! halu! (fuck) hahaha.

pasan ko ang daigdig. (title ng movie na applicable nmn sa kin, pero hindi naman sa OA or nega ako, wala lang, trip lang. haha.) katakot!! since eldest ako sa aming 3 na magkakapatid malamang sa kin ipapasa ang trono ng pagsupport sa aking mga minamahal na mga kapatid. pagpapaaral etc. at dahil mahal ko ang aking 'rents, ay aakuin ko na ang trono ng pagbuhay sa aking pamilya... pangarap ko kasi na kapag senoir citizen na sila (in w/c 5 yrs from now na lang un) ay hindi na sila magwowork at ang aatupagin na lang nila ay kumain at matulog sa iba't ibang lugar sa buong mundo. (worldtour lang naman. taas ng pangarap ko noh?) haha. sana makaya ko!! ay mali, ang nega ko pala. KAYA KO TOH!!!

1.) ang mahal na ng bilihin ngaun... natatakot ako para sa family ko, na 1 araw e magising ako na wala na kaming makain. ayoko nun. kaya magsisikap talaga ko. (lufet!!).
2.) at ang mahal na magkapamilya. (as in my own ha). hahaha. magastos. hahaha! ewan ko ba, pero parang naisuksok ko na ata sa king brain ang pagiging choosy sa gagawing papable. hindi naman sa nagdidiscriminate ako... pero ang akin lang, magpapapa ka ba na ikaw ang gagastos para sa kanya at ikaw ang bubuhay? NO WAY!. yabang e noh. haha. pero totoo naman diba.

love love love. EWAN! haha. nawalan na ako ng interest. wala akong time. bwahaha. feeling ko kasi hadlang lang sila sa aking pagasenso. joke!!! wala lang cguro talaga, ayoko lang. study flirt este first pala, boyfriend later. haha. pagkagraduate ko na lang. pagkagraduate nyo na lang. pagkanagkatrabaho ka na. para kung magkatechnical prob man at least graduate na!! hahahaha.


_________________________________________________________________________________________________
ang dami kong namimiss na mga tao ngaun... tsk tsk....
_________________________________________________________________________________________________

P.S:
nabasa ko na nga pla ung THE VALKRYIES by paulo coelho. at ang dami kong natutunan...
"expanding your horizon..." cool gawin. tinry ko. masarap sa pakiramdam. =)

"if you have done something wrong and had already ask for forgviness... forget about it. set yourself free. you have been forgiven, anyway."


---OoO---

"funny, how someone can make you weak...
just by simply thinking about him."

-lykes

3.17.2008

silence means... sick.

halu halu!! tagal kong nwala ah... hahaha. 1 week akong walang social life. im sick kasi, and guess what kung ano... chicken pox. huhuhu. kung kelan finals week saka pa ko nagkaroon. saklap diba?!! sabi nga ng aking friend hindi na daw ako kagandahan ngaun, sabi ko nmn, maganda pa din ako kahit my bulutong noh. lakas noh?! haha. nah, im just boosting myself. pero sa totoo lang, weird tong chicken pox ko kasi, 15 pcs lang lumabas at wala sa mukha. lucky na rin kahit papaano.. =) as of now, ok na ko, nakakahawa nga lang. haha

nakakadiri nmn tong post ko, tungkol sa sakit. hahaha.

ampanget ko dito... huhu
e2 ako habang may sakit... ung spots sa face ko ay pimples hindi cpox. saklap. haha

----------------------------------------------------------------------------------------------------

sa lahat nga pla ng dumalaw, thank you! feeling ko nmn mamatay na ko... sa lahat ng di dumalaw, ok lang, di ko nmn kasi ipinagsabi. kakahiya kaya. (pero niblog ko. wapak.) haha. =)

special thanks nga pla kay, jd. u made me realize na masarap magkabulutong, foodtrip!! thank you sa instant Loreal na toner at Loreal na cream na pasalubong mo. feeling ko ang sosyal ng skin ko. hahaha. sana maging supplier kita... haha.

kay anne... we love you so much. the hell with him. he's NOTHING. ul get thru... we'll help you. we'll always be here.

kay eldrin & angello, thank you sa JAMS night. thanks sa panglilibre, alam ko nagulat kau kasi ang dami dami pla natin. haha. thanks for making my comeback a success. hahaha.

oha oha.. yabang e noh kala mo binili ko. haha

----------------------------------------------------------------------------------------------------

Psyche 101:

difference between hallucination and illusion... and delusions

**hallucination:

auditory - hears voices that is not really present, commanding or condemning... etc
visual - sees a person or object that is not present


**illusion:
auditory - hearing voices in the wind
visual - seeing an object in a different form

**delusions:
eg. a person truly believes that he is superman, etc.

3.04.2008

cheap post.

lykes: jai, may ginagawa ka? pakitimpla mo nmn ako ng kape. thanx
jireh: kape? gabing gabi na kape?
lykes: oo, bakit ba? pampaantok ko yan e. 1 kutsarita ang ilagay mong kape, puno ha...
mommy: hoy elikah, anung 1 kutsarita? mas matapang ka pa magkape sa kin ngaun. jai. bawasan mo, gawin mo lang na kalahati.
lykes: walang lasa yun.
jireh: mommy, malaki kasi baso nya.
lykes: pakilagyan ng 3 scoop ng creamer.
mommy: anung tatlo? napakadami, dalawa lang noh.
jireh: mommy malaki kasi baso nya kumpara sa baso mo.
lykes: tapos 1 kutsaritang sugar...
mommy: ang tabang nyan

whatever. hahaha. dialogue namin yan kagabi...

3 big cups ang minimum ko per day. ganyan ako kaadik sa kape. nahawa na ata ako sa daddy ko, na ginagawang water ang coffee.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

ok, so baliktad ang epekto ng kape sa aking system. imbis na magising ako at mabuhayan ng dugo, nirerelax nito ang aking katwan. kumbaga, eto ang pampatulog ko. weird daw. sabi nilang lahat. at yung gatas nmn.. un ang nagpapagising sa akin. baliktad talaga. weird.

parang kape ang rock song. dahil ang rock song ay pampatulog ko, pamparelax. at kapag mga mellow nmn ang tugtog... nabwibwisit lang ako at hindi makatulog. baliktad. weirdo.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

so, why am i saying all of these?? wala lang, i just feel like i have to blog something. i feel so dumb, having nothing to write about. i call these a cheap post. kasi obviously, wala tlgang kabuluhan ang post na ito. niliitan ko ang font kasi, nahihiya ako.. hahahaha. nilamon na ata ng gym ang utak ko. hahaha. un pa nag isang kinaadikan ko ngaun ang pumunta sa gym. actually, nung valentines day, mas pinili ko pang makipagdate sa bakal kesa makipagdate sa lalaki. magbuhat ng bakal at tumingin sa mga papable. fyi, hindi ko ginagaya si jackie lou or si vina ok... hahaha. nififirm ko lang ang arms at abs ko. un lang. (bow) nagpapasexy ako... rawr!!

2.26.2008

friends again

---for Feb. 20, 2008

late blog na naman. tsk tsk.

i just want to share my happiness... bati na kasi kami nung best buddy ko. i'm so glad that wer ok. after 1 year na walang kibuan, finally. hahaha.

the funny thing is, is that we acted as if nothing happened. =) ganun naman tlga diba kapag magkaibigan, forgive and totally forget everything.

sabi ko sa kanya, "para kang tanga, inaway mo kasi ko."


---0o0---


TRIVIA:

"vena amoris", is a latin name meaning, literally, "vein of love."

--a tradition established a belief that this vein ran directly from the heart to the fourth finger of the left hand. this theory has been cited in western cultures as one of the reasons the engagement ring and/or wedding ring was placed on the fourth finger, commonly known as, ring finger.

2.22.2008

d devil and miss prym

3 days ago, i finished reading this book by paulo coelho... it took me about 8-10 hrs to finish it... adik daw ako sabi nila!! hahaha. while reading it, the word blasphemy keeps on clouding my mind, but still i gave it a chance and finished reading it. both meryl and i agreed that somehow evil won in the end...

a clever book this is.


ang galing ng author. clever ang dating ng story. ang cute tlga ng pagkakakwento. try nyo basahin. devilish ang dating. good and evil. temptation. money. temptation. conscience. temptation. good life. temptation. doubt. temptation. trust.


p.s:
muy, thanx sa book. once again, akin na toh!! bwahaha.



------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
huhuhu.... i'm still waiting.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

2.09.2008

Tuesdays w/ Morrie...

This book made me cry....



it's all about enjoying life, making the most out of it, death, acceptance.. and love. very touchy 2ng book na toh. it has lots of quotable quotes. i can't forget this line... "When you're in bed, you're dead". this line makes me get up!! haha. asar. it reminds me of how lazy i am. haha.

try reading it, it will inspire you to go on living despite of all the hardships in life. it will make you realize that death is not to be feared but something to look forward 2.


---0o0---

"If you're trying to show off for people at the top, foget it.
they will look down at you anyhow.

and if you're trying to show off for people at the bottom, forget it.
they will only envy you.

STATUS WILL GET YOU NOWHERE.
ONLY AN OPEN HEART WILL ALLOW YOU TO FLOAT
EQUALLY BETWEEN EVERYONE."

-morrie schwartz



-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
waiting, waiting, waiting... as always, as usual.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

1.30.2008

kwentong kaibigan at kwentong ospital.

zhainne, getting wacky after her meds...


Hospital bums... no sleep at all. kalungkot. (hahaha.) i was left taking care of my niece. so much, for a student nurse. hahaha. (again). taong hospital na nga ako tapos ung free day ko sa hospital pa din... kamusta nmn un daba?! =) no choice e, mabait akong tita, kaya holla hospital!! =)


---0o0---


rion, johnny, helena & me... cast kami ng sweeny todd!


eto nmng pic na toh.. actually nung 28 pa toh, ngaun ko lang ibblog kasi especial ito.. (konek??) taken at trinoma. im with my friend rion. =) after 6 months yan. hahaha. mostly, ang mga ginawa namin ay magkwentuhan, umikot sa mall at ma-amaze sa sweeny todd, aka "the blood bath movie".

namiss ko tong taong toh... sarap kasi kasama at kakulitan.. (pinupuri kita sa net. haha). mga knock-knock jokes mo at mga kwentong nakakatuwa. sows... ok, bumebenta sa kin! hehehe. =) hays, wish ko lang nagvideoke tau. haha.


p.s.
rion, bagay sau ang pink, PROMISE!!

at sinong may sabing naghihirap ang mga pinoy?

sa aking pagsusurf sa net... i found out na 3 of the world's top ten largest malls ay nasa pinas.. oh yes.. nasa pinas!! namely:

1.) Mall of Asia (3rd)
2.) SM Megamall (5th)
3.) SM North Edsa (9th)


e2 ung pic... sa forbes.com ko yan nakuha...


oha oha!! san ka pa diba?! proof ba ito na shopingero(pangit ng term) ang mga pinoy??? sige, OO, madaming naghihirap pero bakit ganun? hindi pa rin magkandamaliw ang mga tao sa pagpunta ng malls?! addiction nga naman sa pagshoshopping kahit walang ANDA!! tsk tsk. masamang ugali yan.

dialogue 1
anak: nay, wala na tayong ulam...
nanay: sige, mangutang ka na muna sa tindahan.

dialogue 2
misis: naku, mare, saka na kita babayaran ha, pasensiya ka na ha wala pa kong pera..
mare: mare naman, nung isang buwan nangako ka na babayaran mo ko ngaun....

dialogue 3:
misis: wala tayong pambayad sa kuryente at tubig
tatay: mangutang ka muna kay kumare....

mayamaya....

SM 3 DAYS SALE!!!!

hala, ayun ang mga walang pambili ng ulam, walang pambayad sa utang, walang pambayad sa kuryente at kapos sa pera sugod sa mga nagkukunwaring malls na may 3 days sale daw sila pero ang totoo e, kalahati pa rin nun ang totoong presyo. ung inipon na pera para sa pagkain e ipambibili na lang ng kung anung sa mall. AMININ!!! pero maraming ganyan dito sa pinas!! yan ba ang naghihirap?

based on my observation... marami akong kilalang mayayaman pero wag ka, adik sila sa tiange at hindi sa malls. at kung pumorma e parang wala lang, pambahay ang effect!! daig pa sila ng mga ibang mga nakikita at kakilala ko (beep beep sa mga natatamaan ko) na sa barong barong lang nakatira or alam ko na sakto lang ang kinikita ng magulang pero pinipilit pa rin ang sarili na makabili ng mga "signature clothes". reason nila: "for showing off purposes at to be in". masamang ugali yan.

ewan ko ba, pero anu nga ba ang nakukuha nila sa pagyayabang na yun?? 30 secs. na papuri? 10 secs. na hawak sa damit ng mga kaibigan. at pagkatapos nun?? wala na. deadma ka na ulit sa kanila.

(teka anu nga ba ang topic ko?? bwahaha. naghalo halo nnmn ako. tsk tsk!)

nweiz, hindi ko naman nilalahat ang mga pinoy. dahil marami pa rin nmn ang matitipid at wais sa buhay. suksok ng suksok at hindi mahilig magwaldas. sa mga taong ganun... i salute u. kahanga-hanga kayo at s mga tao naman na katulad ng mga namention ko, hoi, dre, magisip ok. hindi madaling kumita ng pera... kung wala nmn talagang dapat ipagyabang at hindi naman talaga kailangan at wala naman talagang pera, mag preno naman sa pagwawaldas! ikaw din ang kawawa sa huli... hindi ka kayang nuhayin ng kayabangan mo noh!! at sa mga mayayaman naman na ang hobby ay magwaldas, magpreno din kayo noh dahil hindi habang buhay mayaman kayo...


1.06.2008

BEACH!!! hahaha

jose & me... (kainis nakapikit ako... =/...)


yan c jose, ang aking friend na umuwi galing guam. kundi dahil sa kanya walang reunion na mangyayari. hahaha. close kami nyan... =)


ang peace sign na usong uso. (randy, ge, me, ada & chuck)


sa villa buenaflor yan. naku, kita pa ung redhorse.. patay ako. hahaha. ung iba, camera shy, kaya wala sa pic. ayun c ge, sya ang may ari nung resort, kung wala sya malamang palaboy kami. or baka nasa bahay kami nina vic or bahay ni ge. =). hahaha. they are my high school tropa. super miss ko na sila.. grabe!! pwera si randy, kasma ko yan nung 1 linggo e. hahaha. nanlibre. weee.




1.03.2008

a yuletide diary.

MERRY CHRISTMAS
AND HAPPY NEW YEAR!!!


--NEW YEARS EVE
.
.

family picture... kaso tulog ung isa. =(

.

Khean and Me... tulog si jhai
.
.
.
---NEW YEARS PARTY (Dec. 30, 2007)
.
.

LyCOF

Lykes Circle Of Friends. hehehe

.

.

.

---CYF Christmas Costume Party (Dec. 28, 2007)

.

Jhai & Rica... d'super twenkz.

.

it was held at pascam Church of Christ. nagdecide ang mga officers na magkaroon grand fellowship.. haha. actually hindi nmn tlga bongazious un. nagcostume lang kami. un lang un. hahaha.

.

---CHRISTMAS DAY

.

.

la vindetta... lolz

.

after ng Christmas service. nagkuhanan kami ng pictures. ako, noemi, jireh, jonelle, at c rica. napagtripan lang namin para may remembrance kami. =)

.

---CHILDRENS CHRISTMAS PRESENTATION (Dec. 24, 2007)

.

eto pa ang isa sa mga pinagkaabalahan ko, ang magturo ng mga kids para sa araw na ito. hahaha. yearly kasi nagppresent talga ung mga kids sa church sa namin at dahil ako ang maganda nilang ma'am ako ang responsible for their presentations. syempre, the typical play na ang theme e. Jesus is Born, pero syempre, dahil creative ako, (hahaha) ginawa ko syang musical play!! oha, oha! with matching costumes yan... angels, shepherds, wisemen, villagers, mary and joseph. kalurkey nga lang lang magturo, kasi bago kami makapagstart isang katerbang "children, tama na ang takbuhan magcstart na tayo... ", "wag na kayong maingay", "behave na po kayo.", "sige na, ikaw na si mary, please...", "matatapos na po.", "asan na si ano..." ang lines ko. at habang nagppractice na kami, isang katerbang "teacher, anong line ko?", "sino ako?", "gusto ko angel ako.", "ayoko nyan", "nangangalay na ko", "uwi na tayo teacher" "may i go to the washroom", "nauuhaw ako" ang drama nila. at sa wakas, THANK YOU LORD, nung nagpresent sila ay ok na ok naman, kahit medyo may sablay ok lang, kasi nagenjoy naman ung mga nanood at syempre nagenjoy ung mga kids. =)

.

---CAROLING NIGHT (Dec. 23, 2007)

.

nangaroling kami para may ipambili ng chicha!!! hahaha. joke lang.

.

nangaroling talaga kami para magkaroon ng fund ang aming cyf. excuse me lang, hindi house to house as in lahat ng bahay ha, house to house in the sense na puro bahay lang ng mga kasama namin sa church. mga 10 houses lang. puro mga taga d2 lang sa may amin. syempre the usual christmas carols ang kinanta namin, plus, nagadd pa kami ng mga songs n pang choir talaga. hanep!! nakakapaos. haha. kakapagod pero syempre ok lang kasi, 7,300 naman ang kapalit ng pinaghirapan namin. oh, yes!! 7, 300 sa 10 houses lang. ok diba?!! sarap mangaroling diba, kaya nga next year, uulitin namin un... tiba tiba ulit!! hahaha

.

---CHURCH ANNIVERSARY (Dec. 16, 2007)

.

.

our Church

.

hays, this is the very first event na pinagkaabalahan ko bago mag vacation. its hard pala to become an organizer, kalurkey. haha. nweiz, all i can say is that all the hardships had paid off. sulit na sulit talaga. a new experience for me organizing a bigger event (more or less 110 + guests). thank you sa aking committee who supported and helped me all through out. never could have i done it better without you guys... thanx a lot!!! =) muah muah muah.

12.10.2007

reCOLLECTING memories.

Recollection....



ang model ko, si anne.

.

.
-we went to Tagaste

.

whew. dami nangyari dito, grabe. to make the story short, we had a speaker who discussed about being Christ-centered individual. tapos may pinagawang activity, ayoko sanang sumali kaya lang pinilit ako, at nagpapilit naman ako. kaya aun, afterwards, may mga teary eyes na kami. haha. bakit? kasi ung mga may mga kasamaan ng loob e nagusap at nagkaayos. like ung sa akin, we(pao & I) cleared the miscommunication that had happen between us. ok nman talaga kasi kami kaya lang may pakialamera. nweiz, we settled the past arguments, nilinaw ang lahat at aun, boom!! (OK NA KAMI), we hugged each other, namiss ko yata ang makatawanan at makausap sya. =) pero syempre there are some na hindi talaga kayang ayusin ng isang simpleng recollection. let's just say, some of us were not ready to forget at that moment. i have to admit, i'm one of them. masyadong masakit yung ginawa nya sa akin... and talking to her about forgiveness and friendship. malabong mangyari. magiging plastik ako kung gagawin ko yun.

.

p.s:

ang cute nung dog na si charles... diba muy?! =)
.
.
Figaro....


which one do you think is mine??

.
-coffee break with anne & d'PPG. i tried cappuccino frost.

.

PPG, which stands for Power Puff Girls, namely, raqz, muy & ochie. we stayed there in figaro while waiting for our sundo. haha. =) kakahiya naman tumambay lang, kaya anne & i decided to buy something. kaya aun, napilitan akong bumili ng figaro frost... bumili rin pala sina ochie & muy. nakitable na rin kami sa kanila. (pangit ng term) haha. hays, oozing ang prize. haha pero ok lang, at least naexperience kong pumunta sa figaro sa tagaytay. hahaha. nu pa ba? nameet ko si kc (tama ba?) ung kalove team ni raqs. haha.

.

p.s:

i actually told anne that we should go to starbucks, its just across the street, e makulit ang lola ko!! =) tapos sa huli nagsisi, dapat daw nagstarbucks kami. kulit diba?! haha.

.

.
Joy Ride at Tagaytay....

.

6:30 pm pa lang yan. look how dark it is. napakafoggy talga...

.

.
-Jp, K'egay, Onnie, Anne & Len... it was really foggy up there!!
.

so, aun, our sundo arrived. dark green car. wala lang. haha. i wasn't expecting to see onnie's gf, len. both anne & i thinks that she is seemingly weird, though it was nice meeting her. nweiz, we headed right away to picnic groove. we had a hard time reaching the place because of the fog. it was really cold, damn cold.

.

CLOSED!!!

.

putek. sarado!!!! hahaha. tama ba yun! it was only 6:30pm tapos sarado na. grrr. talking about the intense happiness kasi tatambay kami sabay biglang laglag kasi sarado. hahaha.

.

nagyakag na lang ako sa nearest fastfood kasi i need to "pee". hahaha. loka. nweiz, d2 ko naprove na she is weird... pati ba naman pagbili ng pagkain kailangan pang ipagpaalam kasi baka daw pagalitan sya. etc. etc. (sori, lotie, but she really is weird) (agree ka anne?) *wink*. after that, punta naman kami sa may starbucks, dun sa likod, stargazing kahit wala namang stars. palipas oras. then anne realized that we should have bought our drinks in starbucks instead sa figaro. ayaw kasi maniwala sa kin. too late. said na ang anda!! =(

.

aun, after quite sometime nagkayakagan ng umuwi... siksikan kami sa car. weh, hina ng pakiramdam nung gurl!! ASAR!!

.

p.s:

i get it, she's only 16.