7.19.2007

dear HIBOLZ...

(inspired by kitel...)
.
.
dear hibolz,
.
wow... ang bilis ng panahon. its been 5 years now since we became family!! namimiss ko na kau!! mga bondings natin...
.
-ung sama sama nating pagpunta sa magallanes
-ung pagkain at pagtambay sa kantunan
-ung pagkain ng tukneneng kapag uwian
-ung pagtambay sa pc shop sa taas ng greenwich
-ung pagbubukas natin ng SM manila dahil wala nnmn prof
-ung pagtambay sa locker area
-ung panghuhula ng mga # ng lock ng may lock.. haha
-ung hiraman ng t-square, tech pen, triangle... etc
-ung paggawa ng plates at "paki gawa ako plate"
-ung pagpasok sa room ng may room para lang makipagkwentuhan
-ung paglalakad sa wall ng intra
-ung pagpasok sa school kahit wala nmn pasok... makikipagkwentuhan lang ulit!
-ung pagddrawing sa fort santiago sabay punta sa ipinagbabawal na tunnel at pagpitas ng sampaloc
-ung panonood natin ng basketball sa may malapit sa simbahan... (forget d name)
-ung namimiss ko ung taranta days natin kapag inaatake si kitel.. (bleh!!)
-ung mga kwentuhan na walang humpay...
-ung pagtambay sa may fire exit para tapusin ang plates...
-ung community service natin sa school sa may sta. cruz ata un...
-ung pagpunta nyo dito sa bahay....
-ung pagattend natin ng mga debut at pagsayaw sa kutilyon... haha
-ung PE days natin na ang suot natin ay short shorts at v-neck na shirt (required kasi)... (buti nakajogging pants na ngaun)
-ung paglusong sa baha at pagsakay sa pedicab dahil mataas ang tubig...
-ung group hug at kiss....
-ung tawanan natin
-ung iyakan...
-ung samahan natin na ngaun ay unti unti ng nawawala...
.
nakakalungkot isipin na isang pamilya tau dati... na ang lufet ng kapit natin sa isa't isa... anu na nangyari sa atin?? bakit ganun?? bakit parang kanya- kanya na?? bakit parang ang layo na natin sa isa't isa?? bakit parang di ko na kau kilala?? bakit kahit anung pilit nating magsama sama physically parang ang lalayo pa rin natin sa isa't isa???
.
nalulungkot ako kasi alam kong may isang tao na lubos nasasaktan sa mga nangyayari...
di ko matake na nasasaktan sya... tama sya, "ang hibolz ang pamilya natin sa labas ng ating mga house". pero asan na ung pamilyang un?? asan na ung mga minahal kong kapamilya?? andyan pa ba kau?? nakakaiyak kasi parang nawawala na ang pamilya natin...
.
sorry kung minsan nawala ako...
.
sana maibalik natin ung dati...
sana di pa huli ang lahat para sa "pamilyang hibolz"...
.
.
love,
bunso

No comments: